-- Advertisements --
image

Matagumpay na nakumpiska ng Philippine Coast Guard ang limang kahon ng pinaghihinalaang smuggled na sigarilyo at tuyong dahon ng tobacco sa pantalan sa Cebu City.

Ayon sa Coast Guard, nakatangap sila ng impormasyon bandang 12:42 ng madaling araw tungkol sa nasabing kargamento.

Matapos na ma verified ang naturang impormasyon ay kaagad na nagtungo ang kanilang mga tauhan sa naturang pantalan.

Nadiskobre ng PCG ang mga kahon na mayroong label na footwear ngunit ng mabuksan ito ay tumambad sa kanila ang 16 na boxes ng sigarilyo at tatlong bundle ng pinatuyong dahon ng tobacco.

Bilang bahagi ng PCG protocol, ang mga nadiskubreng sigarilyo at dried tobacco leaves ay nasa pangangalaga na ng kanilang ahensya para sa kaukulang imbestigasyon at kaagad naman itong idedespose pagkatapos.

Siniguro naman ng Philippine Coast Guard na patuloy ang kanilang paglaban sa ganitong uri ng ilegal na gawain at patuloy nilang huhulihin ang mga ilegal smugglers sa bansa.