-- Advertisements --

Nasa Pilipinas na ang 16 na biktima ng human trafficking mula sa Cambodia.

Ang mga biktima ay iniligtas sa pinagsanib na puwersa ng Ebahada ng Pilipinas sa Cambodia at Department of Migrant Workers (DMW).

Kasama nila sa biyahe pauwi sa bansa si DMW Assistant Secretary for Licensing and Adjudication Francis Ron C. De Guzman, at malugod naman silang sinalubong sa Ninoy Aquino International Airport ng mga opisyal ng DFA, DMW at OWWA nitong Martes ng gabi.

Ilan sa mga opisyal na sumalubong sa kanila ay sina DFA Undersecretary Eduardo de Vega, OWWA Deputy Administrator Atty. Mary Melanie Quino, Assistant Secretary Venecio Legaspi, Director Regina Galias at Labatt Rose Escalada.