-- Advertisements --

LA UNION – Patay ang isang 16-anyos na high school student matapos makuryente sa hinawakang kable ng kuryente o live wire na nakalaylay sa daan sa Barangay Sta Monica, Bauang, La Union bandang ala 1:30 ng hapon, Setyembre 9.

Ang biktima ay nakilala sa pangalang Ivan Dublong, residente ng nasabing lugar.

Batay sa initial investigation ng Bauang Police Station, kasama ng biktima na naglalakad sa barangay road ang kapatid nito na si Allen Dublong, 23, at isa pa nilang kasama na si Daryl Castillejos , 19, nang makita nila ang nakalaylay na wire na hinawakan ng biktima.

Agad natumba ang biktima at nangitim ang ilang bahagi ng katawan nito dahil sa pumasok na boltahe ng kuryente.

Dinala ang estudyante sa Ilocos Training and Regional Medical Center(ITRMC) dito sa syudad ng San Fernando ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas.