Humingi ng karagdagang pondo ang Department of Health (DOH) para sa procurement ng dagdag na ventilators para sa mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, paghahanda ito sakaling maabot ng bansa ang peak ng COVID-19 cases.
Nakipag-coordinate na raw sa procurement service ng Department of Budget and Management ang Health Facilities Enhancement Program office ng ahensya.
Paliwanag ng kalihim, nasa 5 hanggang 10-percent ng mga COVID-19 patients ang mangangailangan ng ventilators kapag na-admit na sila sa healthcare facilties.
Sa ngayon, nagpadala na raw ang DBM ng 1,500 ventilators sa DOH para maipamahagi sa iba’t-ibang ospital.
Sapat naman daw ito, pero kailangan umano ng request na dagdag pondo bilang parte ng contingency plan ng Health department.