KALIBO, Aklan — Nagsagawa ng send-off ceremony para sa deployment sa Kalibo Sr. Sto. Niño Ati-Atihan festival 2023 ang kapulisan upang masiguro ang payapa at matagumpay na selebrasyon.
Ito ay pinangunahan ni Regional Director P/BGen. Leo Francisco, Aklan PPO Director P/Col. Cresaleo Tolentino, Gov. Joen Miraflores at Mayor Juris Sucro.
Kabuuang 1,500 na miyembro ng kapulisan na nagmula sa iba’t-ibang police station sa buong Region VI ang ipinakalat na sa buong bayan ng Kalibo.
Kasama ng mga ito ang militar at iba pang law enforcement agency at force multipliers.
Pahayag ni BGen. Francisco na sa kabila ng mga pagsubok, ipinapasiguro ng PNP, AFP at iba pang kaukulang ahensiya ng gobyerno ang kanilang commitment para sa kaligtasan ng lahat.
Samantala, tuloy pa rin bukas ang seremonya para sa promotion ng ilang mga pulis, kung saan ang kanilang oath taking para sa next higher rank ay gaganapin na lamang sa headquarters ng Aklan Police Provincial Office sa halip na sa lugar ng kani-kanilang assignment.
Kasabay nito, umapela si BGen. Francisco sa mga kapulisan na laging maging alerto at iwasan ang paggamit ng cellphone habang naka-duty.
Babala pa nito na mahaharap sa penalidad ang sinumang mahuling nagpapabaya sa kanilang tungkulin.










