Nakatakda ang pagpapalawak o expansion sa ilang mga pangunahing paliparan sa buong bansa bago matapos ang kasalukuyang taon.
Batay sa record ng Department o Transportation, nasa 15 mga regional airport ang inaasahang mapapalaki ang operasyon bago matapos ang kasalukuyang taon.
Kinabibilangan ito ng mga pangunahing airport mula sa Laoag, Vigan, Bukidnon, Tacloban, Marinduque, at Antique.
Ang mga nasabing paliparan ay napaglaanan ng mahigit P1.7billion na pondo.
Nitong nakalipas na linggo ay nauna na ring binuksan ng DOTr ang bidding para sa mga nasabing paliparan at magtutuloy-tuloy ito hanggang sa Setyembre-22, 2023.
Inaasahang sa pamamagitan ng rehabilitasyon at expansion sa mga nasabing airport ay lalo pang mapapataas ang bilang ng mga dumadayo sa mga nabanggit na lugar, na daan upang mapataas ang turismo, at iba pang economic activity.
Ayon pa sa DOTr, ang mga naturang proyekto ay maliban pa sa mga nakahanay na kahalintulad na proyekto sa susunod na taon.