-- Advertisements --
Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa naganap na sunog sa residential area sa Barangay Pio del Pilar sa lungsod ng Makati.
Nagsimula ang nasabing sunog dakong 12:14 ng tanghali at ito ay idineklara under control ng 1:33 at fire out ng 1:34 pm.
Base sa inisyal na ulat ng BFP na mayroong 15 bahay ang tuluyang natupok ng apoy kung saan 25 pamilya ang naapektuhan.
Bukod sa BFP Makati ay mahigit 30 mga bumbero at fire volunteers ang rumesponde sa nasabing sunog.
Ilang mga residente rin na nakausap ng Bombo Radyo ang nabigla at walang mga gamit ang nailigtas mula sa nasusunog nilang tahanan dahil sa mabilis na kumalat ang apoy.