-- Advertisements --

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 14,749 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito umabot na sa kabuuang 1,741,616 na ang mga kaso nga COVID-19 sa buong bansa mula noong nakalipas na taon.

Samantala, lalo pang dumami ngayon ang mga aktibong kaso sa bansa na umaabot na sa 102,748.

Sa kabilangdako mayroon namang 10,720 ang bagong gumaling.

Sa kabuuan nasa 1,608,528 na ang mga gumaling sa COVID sa bansa.

Gayunman may 270 na mga bagong nasawi kaya ang death toll ngayon sa bansa ay 30,340.

Sa kabilang dako umaabot naman sa 182 na mga bagong Delta variants ang nadiskubre ng DOH, UP-Philippine Genome Center.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 807 na Delta variant cases ang naitala sa bansa.

DOH KASO