Nananatiling walang fire station ang kabuuang 143 Local Government Units(LGU) sa buong bansa.
Ito ay batay sa updated list ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kung saan bahagi ang Bureau of Fire Protection sa tri-bureau na pinamumunuan ng naturang ahensiya.
Lumalabas sa datus ng DILG na mula sa 1,634 munisipalidad at syudad, nasa 1,477 lamang sa mga ito ay mayroong akmang fire station at mga fire trucks.
Ayon sa BFP, bagaman may mga pondo ring nagagamit, kailangan din nila ang request ng mga LGU upang mapatayuan ng mga fire station ang kanilang mga lugar.
Ang LGU din kasi ang naglalaan ng mga lupa kung saan maipapatayo ang fire station.
Paliwanag ng BFP, tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga LGU upang mapatayuan ng mga fire station ang mga ito, kasama na ang akmang mga kagamitan sa bawat istasyon.