Umabot na sa 14 na Port Management Office (PMO) sa buong bansa ang nakapagrehistro ng trip cancellations dahil sa masungit na panahon, dala ng bagyong Inday.
Lumobo ang bilang ng trip cancellations sa kabila ng unti-unting paglayo ng naturang bagyo, at tuluyan nitong paghina mula sa dating pagiging super typhoon.
Kabilang sa mga nakapagrehistro ng kanselasyon at bilang ng cancelled trips ay ang mga sumusunod:
PMO Batangas – 7
PMO Masbate – 6
PMO Eastern Leyte/Samar – 6
PMO Marinduque/Quezon – 4
PMO Mindoro – 9
PMO Bicol – 8
PMO Bohol – 5
PMO Palawan – 3
PMO Negros Oriental/Siquijor – 2
PMO Panay/Guimaras – 9
PMO Western Leyte/Biliran – 7
PMO Agusan – 1
PMO Surigao – 3
PMO Zamboanga Del Norte – 1
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), inabisuhan na nito ang mga shipping line na agahan ang paglalabas ng advisory upang hindi na maabala pa ang mga biyahero.
Sa ngayon, mayroong 141 katao na stranded sa mga panatalan, batay sa report ng PPA.















