Hindi bababa sa 14 katao ang namatay at dose-dosenang iba pa ang nasugatan sa marahas na kilos protesta sa pagitan ng mga raliyista at pulis sa Kathmandu, Nepal, bunsod ng desisyon ng gobyerno na ipagbawal ang 26 social media platforms tulad ng Facebook, X (dating twitter), at YouTube.
Dahil dito nilusob ng mga raliyista ang gusali ng parliament at tangkaing pasukin kung saan dito na umano gumamit ng baril ang mga pulis laban sa mga raliyista dahilan para masugatan at masawi ang ilan sa mga ito.
Nabatid na una nang hiniling ng iba’t ibang grupo na wakasan ang social media ban at katiwalian sa bansa.
Gayunpaman gumamit din umano ng tear gas at water cannons ang hanay ng pulisya ngunit napilitang magtago sa loob ng parliament compound.
Bukod dito nagdeklara narin ng curfew sa ilang bahagi ng lungsod, kabilang ang paligid ng parliament at ng presidential house, upang mapigilan ang karagdagang karahasan.
Tinawag naman ng mga awtoridad ang rally bilang “Gen Z” na kinabibilangan ng mga kabataang ipinanganak mula 1995 hanggang 2010.
Nag-ugat ang pag-ban matapos umanong paulit-ulit na padalhan ng pamahalaan ng notice ang mga social media companies na magparehistro na ngunit nabigo umano ang karamihan sa mga ito dahilan para sila ay i-ban.
Habang nanatili naman ang TikTok at Viber na gumagana sa bansa.
Samantala umugong naman ang pagsusulong ng panukalang batas para ma-regulate ang social media platforms para umano mapilitang ma-accout ang mga ito kung sakaling may pananagutan, ngunit ayon sa mga human rights group paraan umano ito ng censorship at pag-supil sa malayang pagpapahayag.