-- Advertisements --
baguio

BAGUIO CITY – Nagsimula nang maramdaman ang malakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin sa Baguio City dahil sa bagyong Ambo.

Kahapon lamang ay isinailalima sa mandatory evacuation ang 14 na pamilya sa Camp 7 Barangay ng Baguio dahil sa mga pagguho ng lupa sa kanilang lugar dulot ng malakas na pag-ulan.

Kasabay nito, ipinag-utos na ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (CRDRRMC) na unahin ng mga LGUs at local DRRM Councils ang kaligtasan at pagpapatupad ng pre-emptive evacuations sa mga high risk areas sa Cordillera lalo na ang mga palaging nakakaranas ng landslide at flashflood.

Ipinapaalala din ng ahensia ang bio-safety compliance sa mga evacuation centers lalo na sa mga health and safety procedures na ipinapatupad bilang hakbang laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Samantala, isinara na rin ang sikat na Kennon Road sa lahat ng mga motorista maliban lamang sa mga residente sa kahabaan ng nasabing kalsada matapos maitala ang sunod sunod na pagguho ng lupa at mga bato dahil na rin sa patuloy na pag-ulan.

Batay sa huling impormasyon mula PAGASA, nasa signal No. 2 ang buong Cordillera Region dahil sa bagyong Ambo.