Nilinaw ng mga otoridad na walang nagtamo ng malubhang sugat at tatlo na indibidwal lang ang sugatan matapos ang nangyaring karambola ng 14 na sasakyan sa Brgy. Cogon, Tagbilaran City nitong Biyernes, Marso 10, taliwas sa ibang lumabas na ulat.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay PSSg Rodulfo Sanchez, Traffic investigator ng Tagbilaran City Police station, sinabi nito na kabilang sa mga sangkot na behikulo ay ang isang ten wheeler truck, 3 motorsiklo, 6 four wheels at 4 tricycle.
Sinabi pa ni Sanchez na batay sa kanilang imbestigasyon, na habang binabaybay ng isang 10-wheeler truck na minamaneho ni Nerio Macabecha ang pakanlurang direksyon, bigla nalang umanong nawalan ng kontrol ang preno ng sasakyan kaya nahagip ang mga sasakyan at iba’y nabangga.
Paglilinaw pa ni Sanchez na tatlo lang ang isinugod sa pagamutan ngunit agad din namang nakalabas matapos nagtamo ng mga pasa at gasgas
Agad namang sumuko sa pulisya ang 54 anyos na drayber at kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng Tagbilaran police station.
Magsasagawa naman sila ng confrontation talk sa pagitan ng drayber at mga biktima at susubukan kung magkakaroon ba ito ng settlement.
Paalala pa nito sa mga nagmamaneho ng mga sasakyan na laging suriin ang sasakyang ginamit bago babiyahe.