Nag-iwan ng humigit-kumulang 10,000 na bahay ang walang kuryente ngayon sa estado ng Alabama matapos itong tamaan ng mapaminsalang buhawi noong linggo.

Umabot naman sa halos 23 katao ang naitalang namatay, karamihan dito ay mga bata.

Inaasahan ng mga rescuers na maaari pang tumaas ang bilang ng mga bangkay kapag natapos na nilang tanggalin ang mga nagkalat na pira-pirasong bahagi ng mga bahay na nasira rin dahil sa buhawi.

Samantala, nagpabatid naman ng kanyang pakikiramay si Alabama Governor Kay Ivey sa mga biktima at sinabing handa itong magbigay tulong hanggang sa muling makabangon ang mga nasalanta. (with report from Bombo Sol Marquez)