-- Advertisements --

Papalo na sa 139 kaso ang naihain laban sa mga local government officials na humahawak sa pondo para sa cash subsidy program sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Interior Sec. Eduardo Año.

Ayon kay Año, nakatulong ang tips na kanilang natanggap mula sa 452 na reklamo sa pag-imbestiga sa 649 suspects.

Sa naturang bilang, 250 kaso ang inihanda ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, kung saan 139 dito ay naihain na sa piskalya.

Bukod dito, 885 pribadong indibidwal ang inaresto sa iba’t ibang krimen tulad na lamang ng hoarding, profiteering, at pagmamanipula ng presyo ng mga bilihin.

Nauna nang nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng P30,000 na reward sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon hinggil sa mga government officials na ginagamit sa korapsyon ang pondo ng pamahalaan para sa emergency cash subsidy.

-- Advertisement --