-- Advertisements --

Umakyat na sa 2,522,965 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas ngayong araw ng Martes matapos na iniulat ng Department of Health (DOH) kaninang hapon ang 13,846 na bagong infections.

Ang 13,846 na bagong COVID-19 cases na ito ay pinakamababa na daily cases na naitala mula noong Agosto 31.

Ayon sa DOH, ang mababang output na ito ay resulta na rin ng mababang laboratory output noong Linggo.

Sa ngayon, 132,139 ang active cases o bilang ng mga pasyenteng nagpapagaling pa sa COVID-19.

Sa naturang bilang 76.6 percent ang mild, 16.4 percen ang asymptomatic, 2.1 percent ang severe, at 0.9 percent naman ang critical ang kondisyon.

Inanunsyo rin ngayong araw ng kagawaran na ang total recoveries ay pumalo na sa 2,353,140 makalipas na 39,980 pang pasyente ang gumaling sa sakit.

Pinakamaraming bilang ito ng mga gumaling mula noong Abril 19.

Samantala, ang death toll naman ay nasa 37,686 na makaraang 91 pa ang pumanaw dahil sa COVID-19.