-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Umaabot sa 13 katao ang nasugatan sa vehicular accident sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya na minamaneho ni Mokamad Ali Mamagkat, 51, ang isang Nissan pick-up sa Sitio Tinuan, Barangay Pura, Datu Blah, Sinsuat, Maguindanao.

Bigla umanong nawalan ng preno ang pick-up at bumulusok sa gilid ng kalsada kung saan binangga pa nito ang isang bahay.

Sugatan ang driver at 12 niyang pasahero na agad dinala sa pagamutan sa syudad ng Cotabato.

Nakaligtas ang mga nakatira sa bahay at nakatakbo bago pa man binangga ng pickup.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay patuloy na nag-iimbestiga ang Datu Blah Sinsuat PNP sa naturang pangyayari.