FB IMG 1591694785543
-- Advertisements --
FB IMG 1591694770697

Balik na sa kani-kanilang mga selda ang 13 persons deprived of liberty (PDLs) matapos maka-recover na sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) ang mga inmates ay nag-negatibo sa magkasunod na swab testing. 

Magsisilbi naman umanong inspirasyon ang naturang development para sa mga health workers at nangako ang mga itong palalakasin nila ang COVID-19 isolation prevention control protocol. 

Pinapurihan din ni Director General Gerald Q Bantag ang pagsisikap at sakripisyo ng nga medical personnel at ang pagtutulungan ng BuCor administration.

Maalalang sa latest update ng BuCor, anim nang PDLs ang namatay dahil pa rin naturang virus.

-- Advertisement --

Ayon sa BuCor, maliban sa mga namatay aabot na rin sa 161 ang bilang ng mga inmates na dinapuan ng virus habang walo naman ang mga naka-recover sa naturang sakit.

Nasa 33 naman daw ang dinapuan ng covid na mga miyembro ng BuCor staff, tatlo sa mga ito ang naka-recover na.

Dagdag ng Bucor, sa New Bilibid Prison (NBP) ay nakapagtala na ng 82 kaso ng covid at 26 namang personnel sa naturang piitan ang dinapuan din ng virus.

Sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City ay 79 PDLs at limang personnel naman ang dinapuan ng sakit.