-- Advertisements --

Patay ang 13 katao habang sugatan ang 50 iba pa matapos ang bangaan ng dalawang tren sa southeast India.

Ang train ay galing sa Visakhapatnam at patungo sana sa Rayagada ng bigla itong huminto dahil sa pagkasira ng overhead cable ng ito ay tamaan ng paparating na isa pang tren.

Dahil sa banggaan ay natanggal ang dalawang balon na may sakay na 90 katao na tumama rin sa nakahintong tren.

Ayon naman sa railway ministry na maaring nagkaroon ng “human error” na dulot ng “overshooting ng signal”.

Patuloy ang gagawing imbestigasyon sa nasabing insidente.