-- Advertisements --
Nasawi ang 13 katao ng mangyari ang sunog sa isang nightclub sa siyudad ng Kostroma, Russia.
Naganap ang sunog bandang alas-2:30 ng madaling araw sa entertainment venue mismo ng bar, ito’y matapos magpaputok ang hindi pa nakikilalang lalaki ng flare gun sa kisame mismo ng bar.
Dahil sa panic at pag-uunahan makalabas ang mga tao, nangyari ang tulakan at ang iba nga ay na-suffocate na rin dahil sa mabilis na pagkalat ng usok sa loob.
Ayon sa mga rescuers, mahigit 250 katao ang nailikas ng mabilis mula sa gusali.
Hawak naman na ng Pulisya ang isang 23-anyos na lalaki na umano’y lasing na siyang nagpaputok ng flare gun.
Inaresto din ng mga otoridad ang director ng nasabing nightclub at pagmamay-ari ito ng isang local politician.