-- Advertisements --
LAOAG CITY – Nahuli sa aktong nagsusugal ang 13 kalalakihan sa isang lamay sa Brgy. Paltit ,Badoc.
Ayon kay Police Capt. Joseph Tayaban, hepe ng PNP Badoc, nakatanggap sila ng impormasyon na maraming nagsusugal sa nasabing lugar kung kaya’t nagsagawa sila ng anti-illegal gambling operation.
Hindi na kinilala ang mga suspek ngunit residente ang mga ito ng Brgy. 18A, 18B, Paltit, Garreta, Canaam, Brgy. 11, at may nasa legal na edad.
Nakumpiska ang P4,400, walong mesa, mga set ng baraha na ginamit sa paglalaro nila ng Lucky-9 at iba pang nagamit sa sugal.
Una nang pinaalalahanan ng hepe ang mga opisyal ng barangay na wala sanang magsagawa ng sugal ngunit hindi nasunod dahil sa mga nahuli.