-- Advertisements --
Nasa 13 bata ang nasawi dahil sa suspected measles outbreak sa Sudan.
Naganap ang magkakasunod na pagkasawi ng mga bata sa internal displacement camps kung saan naninirahan pansamantala ng mga ito dahil sa patuloy na labanan ng dalawang puwersa.
Ayon sa Doctors Without Borders na laganap ang nasabing sakit at ang malnutrisyon sa lugar.
Mula aniya nong Hunyo 6 hanggang 27 ay nasa 223 na bata ang kanilang ginamot na dinapuan ng nasabing sakit sa White NIle camps.
Patuloy ang kanilang panawagan sa mga bansa ng dagdag na bakuna at ilang mga pagkain para sa mga pasyente.