-- Advertisements --
image 94

Pasok sa 2023 NCFP Philippine National Amateur Final Leg Chess Championship ang batang chess player at Grade 8 student ng Regional Science High School for Region 6 na si Hans Lee Villorente kung saan gaganapin sa September 9-10, via Tornelo Platform.

Sa edad na 4-anyos natutunan na aniya ang larong chess.

Sumali si Villorente sa 2nd AQ Prime FIDE Standard Chess Open Tournament kabilang na ang 2022 Batang Pinoy games na ginanap noong August 19-21 kung saan nanalo siya ng silver medal sa isang standard chess event at nakapagtala ng 3.5 points sa seven outings.

Ang 9 rounds Swiss System ay may time control na 10 minutes increment at ito ay i-sponsor ni NCFP Legal Council Atty. Nikki De Vega.

“Nagpapasalamat ako kina Tatay at Nanay na lagi nasa tabi ko at sinusuportahan ang paglalaro ko po ng chess,” ani Villorente.