Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pamamahagi ng Certificates of Condonation at Land Ownership Award sa 1,287 agrarian reform beneficiaries mula sa probinsiya ng Bulacan at Batangas.
Ang mga beneficiaries ay mula sa bayan ng San Miguel, Baliwag, San Rafael, San Ildefonso, Angat,Bustos, Norzagaray, Balagtas, Bocaue, Pandi, San Jose del Monte at Sta Maria sa probinsiya ng Bulacan.
Kasama ng Pangulong Marcos sa pamamahagi si DAR Secretary Conrado Estrella.
Nasa 1,119 COCROMs na sumasaklaw sa 1,7728.349 ektarya ng lupa.
Ang COCROMs ay nagpapatawad ng kabuuang P274,970,474.26 bilyon na utang ng mga ARBs.
Ang pamamahagi ng COCROMs ay pagtupad sa mandato ng RA No.11953 ang New Agrarian Emancipation Act (NAEA) na burahin ang lahat na hindi nabayarang pangunahing amortisasyon, interes at surcharge sa mga lupang agraryo na iponagkaloob sa ilalim ng agrarian reform program ng gobyerno.
Samantala, ipamamahagi din ang nasa 343 Certificates of Land Ownership Award na sumasaklaw sa kabuuang 232.76 na ektarya ng lupa sa 287 ARBs mula sa Nasugbu, Batangas sa region 4-A.
Mayruon pang 101,666 mga titulo na nakahanda na para ipamahagi sa mga nalalabing buwan ng 2024.