-- Advertisements --
image 19

Nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa naganap na stampede sa Indonesia.

Mula sa dating 129 ay nasa 174 na ngayon ang namatay at 180 naman ang nasugatan matapos magkaroon ng crowd stampede.

Ayon sa mga otoridad sa naturang bansa, ang mga supporters mula sa natalong koponan ay sumalakay at nagpaputok ng tear gas na humantong sa isang crowd stampede at kaso ng suffocation.

Nabulabog naman ang mga nanonood at taga suporta sa stadium.

Humingi ng paumanhin ang gobyerno ng Indonesia para sa insidente at nangakong iimbestigahan ang mga pangyayari sa paligid ng stampede. (report from Bombo Chill Emprido)