-- Advertisements --
CEBU CITY – Umakyat na sa 730 ang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod ng Cebu matapos na maitala ang 176 na panibagong kaso.
Batay sa datos mula sa Cebu City Health Department, 125 sa naitalang bagong COVID-19 cases ay nagmula sa Cebu City Jail, habang ang iba naman ay naitala sa Barangay Mambaling, Barangay Labangon at marami pang iba.
Sinabi ni Mayor Edgardo Labella na isinailalim kaagad sa isolation ang mga presong nahawaan ng virus at dinala naman ang mga residenteng nagpositibo sa inihandang Barangay Isolation Centers.
Samantala, inanunsyo ng lokal na pamahalaan na magsasagawa sila ng malawakang COVID-19 testing simula Mayo 4.
Isasagawa anila nila ito sa mga barangay sa Cebu City.
















