-- Advertisements --

Nagtapos na ang kampanya ng Pinay tennis star na si Alex Eala, kasalukuyang World No. 20, sa Canada Open 2026 matapos siyang talunin ng dating Olympic champion at World No. 12 na si Belinda Bencic ng Switzerland sa straight sets, 6-4, 6-0.

Sa unang set, dikit ang laban at nagpalitan ng puntos ang dalawang manlalaro, ngunit kinapos si Eala kaya’t nakuha ni Bencic ang set.

Pagdating sa ikalawang set, tuluyang nakontrol ni Bencic ang momentum ng laro, dahilan para mahirapan si Eala na makapuntos.

Bago pa man ang laban, iniinda na ni Eala ang ankle injury na nakuha sa kanyang huling laro kontra Caty McNally, ngunit itinuloy pa rin niya ang laban.

Sa pagkatalo, nagtapos ang kampanya ng Pinay star sa Round of 16.

Gayunman, mainit pa rin siyang sinuportahan at pinalakpakan ng mga Filipino fans sa kanyang laban sa Canada Open.