-- Advertisements --

Patay lahat ang sakay ng isang eroplano sa Barcelos, Brazil.

Ang nasabing eroplano ay may lulan ng 12 turista bukod pa sa piloto at co-pilot nito.

Ayon sa Civil Defense ng Brazil na patungo ang eroplnao sa lugar para mag-ensayo ng recreational fishing ng mangyari ang aksidente.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.