-- Advertisements --

Nananatili umanong ligtas sa COVID-19 ang 12 mga PBA teams na lumalahok ngayon sa All-Filipino na 2020 Philippine Cup sa Clark, Pampanga.

Ito ay makaraang ilabas ang resulta ng second round ng COVID tests.

Kung maaalala ginaya ng PBA ang NBA bubble para sa kanilang restart na nagsimula noong October 11.

Nasa 350 ang PBA delegation na sumasailalim sa mandatory testing kada dalawang linggo na magtatagal hanggang Disyembre.

Ang mga teams ay binubuo ng TNT Tropang Giga, Meralco, NLEX, San Miguel, Magnolia, Ginebra, Alaska, Northport, Phoenix, Terrafirma, Rain or Shine at Blackwater.