-- Advertisements --

Aabot sa 12 katao ang nasawi sa rocket attack ng Russia sa isang apartment building sa Kharkiv, Ukraine.

Ayon kay Kharkiv Mayor Ihor Terekhov, na ilang oras bago maapula ang sunog sa tatlong palapag na gusali sa Saltivka district.

Kinondina nito ang ginawa ng Russia dahil hindi aniya ito military target.

Base sa kaniyang pagtaya na mayroong apat na rockets ang tumama sa nasabing gusali na ikinasugat rin ng halos 20 katao.