Nasa 12 protesters ang patay at 22 ang sugatan ng sila ay pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Baghdad.

Isinagawa ng mga suspek ang pamamaril sa lugar kung saan ilang libong mga anti-government protesters sa Tahrir Square ng Baghdad.

Hindi pa nakikilala ang mga suspek at wala pang grupong umaako sa nasabing insidente.

Magugunitang marami ang nagsagawa ng kilos protesta sa Baghdad dahil sa talamak na kurapsyon at pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho.