-- Advertisements --
Hindi bababa sa 12 katao ang nasawi matapos ang naganap na pagsabog sa bodega ng paputok sa sa southern Thailand.
Dalawa sa mga nasawing biktima ay mga bata kabilang ang apat na taong gulang na lalaki at isang walong buwan na babaeng sanggol.
Maraming kabahayan din ang nasira dahil sa naganap na malakas na pagsabog.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pagsabog.