Pormal na naiprokalama ng Commission on Elections (COMELEC) ang 12 nanalong senator sa katatapos na May 9, local and national elections.
Isinagawa ito sa Philippine International Convention Center sa Pasay City kung saan pinangunahan ito ng COMELEC na siyang nagsilbi ring National Board of Canvassers.
Sa 12 mga senator na naiproklama na magsisilbi ng susunod na 6 na taon ay tatlo sa mga dito ay mga baguhan na kinabibilangan nina Robin Padilla, Raffy Tulfo at Mark Villar.
Nanguna sa bilangan ang actor na si Padilla habang nasa pumangatlo ang dating broadcaster na si Tulfo at pang-anim naman si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Villar na makakasama ang ina sa senado na si Cynthia.
Lima naman sa nahalal ay mga nagbabalik sa pagka-senador na sina Antique representative Loren Legarda, dating speaker of the house Alan Peter Cayetano, Sorsogon Governor Francis ‘Chiz’ Escudero, JV Ejercito at kapatid nitong si Jinggoy Estrada.
Apat naman ang sa 12 senador ang re-electionists na sina Sen. Sherwin Gatchalian, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sen. Joel Villanueva at Sen. Risa Hontiveros.