DAVAO CITY – Dumating na sa Davao International aiport ang halos 12,000 doses ng sinovac vaccine.

Inihayag ni Dr Ric Audan, ang OIC ng Southern Philippines Medical Center (SPMC), uumpisan na nila sa Biyernes March 5, 2021 ang vaccination para sa 5,900 na mga SPMC personnel.

Inanunsiyo din ng hospital chief na siya ang pinaka-una na magpapaturok ng sinovac vaccine upang ipakita sa lahat na ligtas ang naturang bakuna.

Bukas muling magsasagawa umano ang SPMC ng final simulation upang maging perpekto ang kanilang gagawing pagbakuna.

Pero inamin ni Dr Audan na mayroong iilang mga hospital personnel ang nag backout matapus malaman na sinovac vaccine ang ibibigay sa kanila.

-- Advertisement --

Sa ngayon nasa storage facility ng SPMC ang naturang covid 19 vaccine.