-- Advertisements --
Uunahin ng Kamara ang deliberasyon sa 12 panukalang batas na may kaugnayan sa ekonomiya ng bansa para tulungan ang pamahalaan na muling sindihan ang ekonomiya sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic, ayon kay Majority Leader Martin Romualdez.
Sinabi ni Romualdez na lima sa 12 economic measures na gagawing prayoridad ng Kamara ay kasalukuyang nasa period of interpellations sa Kamara habang ang nalalabing pito ay nasa committee level naman.
Ang 12 panukalang batas na ito ay ang siyang natitira sa 22 panukala na inendorso naman ng economic manageers sa 18th Congress.
Ang 10 iba pa kasi ay naaprubahan na ng Kamara at kasalukuyang pending sa Senado.