-- Advertisements --

DAVAO CITY – Halos nasa isang milyong halaga ng illegal na druga ang narekober ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-11, Tagum City PNP at iba pang law enforcement unit sa isang drug den at nasa labing dalawang indibidwal naman ang nahuli sa isinagawang operation. 

Kasabay ng ipinatupad na simultaneous search warrant, dalawang drug den ang napasok ng otoridad at dawalang drug maintainers at drug perpetrators ang nahuli sa Purok 7, Tarubang, Lower Apokon, Barangay Apokon, Tagum City, Davao del Norte.

Subject sa search warrants ang mga suspek na sina Redin Tipas, Geralde Macopa, Randy Lumanta at Rodel Morito kung saan nakuha sa kanila ang higit kumulang 51.6 grams ng shabu ,drug paraphernalia at walong .38 revolvers. 

Kabilang rin sa mga nahuli ang apat pang indibidwal habang ang iba naman ay nakatakas. 

Narekober rin ang dadag na higit kumulang (14) grams ng shabu at mga drug paraphernalia sa loob ng drug den. 

Nasa kabuuang P984,000 ang halaga ang mga nakumpiskang illegal na druga ng otoridad.

Parehong mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013 ang mga suspetsado. 

Nagpapasalamat naman ang otoridad sa binigay na impormasyon ng mga tao sa lugar dahilan na nagtagumpay ang kanilang operasyon.