-- Advertisements --

Nagtala ng record sa 2025 World Aquatics Championships ang 12-anyos na swimmer ng China na si Yu Zidi.

Siya ang pinakabatang medalist sa competition ng magwagi ng bronze medal ang China sa 4×200-meter freestyle relay na ginanap sa Singapore.

Kahit na hindi ito nakasali sa final ay eligible pa rin si Yu sa medal matapos magwagi ito sa preliminary para maka-qualify ang China sa final.

May tsansa pa si Yu na magwagi ng individual medal sa 2025 World Aquatics Championships kapaglalahok ito sa womens’ 400meter medley sa araw ng Linggo.

Sa nasabing torneo ay nagkampeon ang Australian team habang ang US ay pumangalawa na nagtamo ng silver medal.