Tinatayang aabot sa 12.6-million na mga senior citizen at persons with disabilities ang inaasahan ng Comission on Elections na boboto sa darating na 2025 midterm elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang naturang bilang ay binubuo ng 12-million na mga senior citizens at 600,000 PWDs mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.
Kasabay nito ay nilinaw din ni Comelec chair na hindi required ang mga senior citizens at PWDs na bumoto lamang sa mga Emergency Accessible Polling Places na nangangahulugang malaya ang mga ito bumoto saan man nila naisin.
Samantala, kaugnay nito ay sinabi rin ng Comelec na eksklusibong bubuksan ang mga voting precincts para sa mga senior citizen at PWDs mula alas-5:00am hanggang alas-7:00am.
Ngunit gayunpaman ay nilinaw ni Garcia na maaari pa ring makaboto ang mga botanteng kabilang sa vulnerable sector kahit na lagpas na sa naturang itinakdang oras ng komisyon.