-- Advertisements --

Aabot sa 12.2 million pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap sa ikalawang quarter ngayong taon base sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nakitaan ito ng pagtaas mula sa dating 10.9 million Pilipino pamilya noong nakalipas na unang quarter ng kasalukuyang taon.

Sa survey na isinagawa mula June 26 hanggang 29, natuklasan na nasa 48% pamilya ang pakiramdam ay sila ay mahirap habang nasa 31% ang itinuturing ang kanilang sarili bilang borderline poor.

Nasa 21% naman ang ikinokonsidera ang kanilang sarili na hindi mahirap.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face to face interviews sa 1,500 respondents edad 18 pataas sa buong bansa.

Ang pagtaas ng bilang ng mga pamila na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap ay naitala sa Mindanao at balance Luzon.

Tumaas din ang bilang ng mga Pilipino na nagsabing sila ay hindi mahirap sa Metro Manila at sa Visayas.

Top