-- Advertisements --
image 491

Ibinunyag ng National Water Resources Board (NWRB) na nasa 11 million Pilipino ang walang access sa malinis na tubig.

Ayon kay NWRB executive director Sevillo David, kumukuha ang mga ito mula sa hindi ligtas na sources gaya ng mga balon, springs, rivers, lawa at tubig-ulan.

Ginawa ng opisyal ang naturang pahayag bago ang nakatakdang pag-marka ng Pilipinas at ng iba pang mga bansa sa World Water Day bukas, Marso 22.

Maliban pa sa tubig, nananatiling problema din sa bansa ang sanitation dahil maraming mga pamilya ang expose sa banta ng water conamination, diseases at gumagamit ng open defecation.

Ayon sa report ng Philippine Statistics Authority na nasa kabuuang 53,066 Pilipino ang nasawi sa pagitan ng 2010 at 2019 dahil sa water-borne diseases gaya ng typhoid paratypohid fever, bloody diarrhea, cholera, viral hepatitis at leptospirosis.

Sa kabila nito, ayon kay David mayroon pa ring sapat na suplay ng tubig sa bansa partikular na sa Metro Manila,