-- Advertisements --
image 220

Nananatili pa rin sa Ukraine ang nasa 116 Pilipino habang aabot naman sa 200 seafarers ang stranded ngayon na naipit sa nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola, sa kabuuan nasa 209 iba pa na Pilipino nasa Ukraine kung saan 93 na ang nailikas mula ng unang araw ng Russian invasion subalit nananatili pa sa loob ng bansa ang nasa 116 Pilipino.

Samantala ang mga Filipino seafarers naman na na-stranded ay nasa Black Sea, malapit sa pantalan ng Odessa at sa iba’t ibang lugar.

Aniya nasa dalawang cargo ship na may lulan na Filipino crewmen ang natamaan ng bomba o missile strike ng Russia.

Kung kaya’t hindi pa aniya makapaglayag ang mga ito baka matamaan ang kanilang mga merchant ships.

Nasa 19 na Pilipino naman na ang nakatawid sa borders ng Poland habang nasa 21 mula sa 27 seafarers ang patungo na ng Bucharest, Romania para sa repatriation pauwing Pilipinas.

Iniulat din ni Arriola na apat na iba pang mga Pilipino naman ang nananatili sa Romania, 15 ang nasa Hungary at mayroong 9 na nasa Austria.