-- Advertisements --

Hindi bababa sa 1,100 sako ng basura ang nakolekta sa national government’s cleanup drive sa coastline ng Malabon City.

Pinangunahan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. ang pagpapatupad ng Kalinisan program ni Pangulong Marcos, na kumakatawan sa Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan, sa Dampalit Megadike Park sa kahabaan ng M. Sioson street.

Sinabi ng lokal na pamahalaan na mahigit 1,800 na governement workers at volunteers ang lumahok na nagsimula bandang alas-5 ng umaga.

Sinabi ni Abalos na ang programa, na nagsimula sa Baseco sa Maynila, ay naglalayong itanim sa bawat Pilipino ang kahalagahan ng kalinisan.

Inihayag naman ni Mayor Jeannie Sandoval na bumuti ang sitwasyon sa Malabon matapos nilang ipatupad ang programang Kalinisan ni Marcos dahil nagkaroon ng mas kaunting baha sa lungsod.

Hinihikayat ng Kalinisan programs ang mga Pilipino na panatilihin ang malinis at ligtas na komunidad.