Arestado ang 11 soccer players sa Georgia dahil sa alegasyon ng match-fixing.

Ayon sa State Security Service, tatlo sa mga naaresto ay dating mga manlalaro nila sa bansa.

Ang mga naaresto ay may kaugnayan sa inilunsad ng bansa ng malawakang imbestiagasyon sa nagaganap na pandaraya sa dalawang football division ng bansa.

Posibleng maharap ng apat hanggang anim na taon na pagkakakulong ang mga naarestong soccer players.

Tiniyak naman ng Gerogian soccer federation na sila ay makikipag-ugnayan sa imbestigasyon.