Nasa 11 katao ang patay matapos ang naganap na sunog sa isang care home sa Bashkortostan, Russia.

Nakaligtas ang apat na naninirahan sa nasabing nasunog na nursing care home na matatagpuan sa Ishbuldino, Abzelilovsky district.

Umabot sa mahigit tatlong oras bago tuluyang maapula ng mga rumespondeng bumbero sa nasabing lugar.

Hindi agad na nakalabas ang mga biktima dahil sa hirap ang mga ito na makagalaw.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang pinagmulan ng nasabing sunog.