-- Advertisements --

Patay ang 11 katao matapos na bumagsak ang bubungang ng gymnasium ng isang paaralan sa China.

Karamihan sa mga biktima na nasawi ay mga menor de edad sa aksidente na nangyari sa Heilongjiang province.

Tanging walong katao sa 19 na nasa loob ng gymnasium ang nakaligtas.

Inaresto ng mga otoridad ang may-ari ng construction company dahil sa mahinang klaseng mga materyales na kanilang ginawa.

Inakusahan nila ang mga ito ng pagtapon ng perlite na isang uri ng volcanic glass habang may ginagawa sa ibang gusali.

Nababad sa tubig ulan ang nasabing mineral na siyang nagpabigat sa bubong.