CAUAYAN CITY – Aabot sa 11 katao ang nasawi dahil sa pagkalunod sa buong Cagayan region nitong nagdaang Semana Santa.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 2, pagkalunod ang pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga biktima na naitala sa Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.

Sa datos ng Regional Operations and Plans Division, nabatid ang pagtaas sa bilang ng insidente sa 11.11-percent kumapara noong nakaraang Holy Week.

Bagamat may mga nasawi, sa assessment ng regional police ay naging mapayapa naman ang pagninilay-nilay ng mga residente ngayong Semana Santa sa rehiyon.