athletes win gold sea games

Hindi pa rin maawat ang patuloy na pagsungkit ng Team Philippines ng gold medals sa iba’t ibang larangan sa Day 5 ng 30th Southeast Asian Games.

Kabilang sa nadagdag sa gold medal haul ng bansa nitong araw ng Huwebes ay sina:

-Margielyn Didal ng Cebu na nasungkit ang una niyang SEA Games gold medal sa Women’s Game of Skate event na ginanap sa Sigtuna Hall, Tagaytay International Convention Center.

-Daniel Ledermann na tinanghal na hari sa Men’s Game of Skate competition doom din sa Tagaytay.

-Kiyomi Watanabe na matagumapay na nadepensahan ang kanyang SEA Games title nang muling masungkit ang 4th gold medal sa Women’s Judo 63kg. final event.

-Chino Tancontian na hindi rin nagpahuli sa gold medal finish sa Men’s Sambo 82kg. competition.

-Shugen Nakano na nagdagdag ng gold medal sa Men’s Judo 66kg. final competition.

-Mark Mugen na nakopo din ang gold medal sa Sambo Men’s Combat 74kg.

-At Jylyn Nicanor na siyang nagbigay sa Team Philippines ng unang gintong medalya nitong araw na isinagawa sa larangan ng Fencing Women’s Individual Sabre final event.