-- Advertisements --
ILOILO CITY- Sugatan ang 11 katao sa nangyaring banggaan ng isang bus at Elf truck sa Brgy. Poblacion, Lambunao, Iloilo.
Ang driver ng elf truck ay si John Limbagi, 36 at residente ng Barangay Samkop, Lambunao, Iloilo.
Ang driver naman ng Calinog Bus Line ay si Frederick Flores, 32 at residente ng Barangay San Jose, Tapaz, Capiz.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PSSgt. Jessi Fusin, imbestigador ng Lambunao Municipal Police Station, sinabi nito na nawalan ng preno ang elf truck dahilan kung bakit sa sumalpok ito sa bus.
Nagtamo ng fracture sa kanang hita at binti ang driver ng elf truck samantalang minor injuries naman ang tinamo ng mga pasahero ng bus at ng driver nito.
Sa ngayon, patuloy na ginagamot sa ospital ang mga biktima.










