-- Advertisements --

Patay ang hindi bababa sa 11 katao matapos makuryente sa Southern India.

Kabilang sa mga namatay ang dalawang bata.

Nangyari ang insidente nang ang kanilang sasakyan ay sumagabal sa mga overhead transmission lines at nagliyab habang sila ay sumakay sa isang relihiyosong prusisyon.

Mahigit isang dosenang tao rin ang nasugatan sa distrito ng Thanjavur sa Southern State ng Tamil Nadu matapos ang sasakyan, isang 9-foot (2.7-meter) ang tumama sa high-voltage lines.

Ang ilan sa mga nasugatan ay nasaktan kasunod ng electric shock, at ang iba, na nagsisiksikan upang makatakas sa apoy, nang tumalon sila mula sa kalesa, na may dalang mga estatwa ng mga diyos na Hindu bilang karagdagan sa mga deboto.