Screenshot 2019 07 08 12 31 43
Indonesia
-- Advertisements --

Patay ang 11 mag-aaral sa Indonesia matapos na sila ay malunod sa ilog.

Kabilang ang mga ito sa 150 miyembro ng Islamic scouts group na may edad 13 hanggang 15.

Base sa imbestigasyon naglalakad ang mga ito sa Cileuleur river ng 21 sa kanila ay nagtangkang tumalon sa ilog.

Nailigtas ang ibang mga mag-aaral habang ang iba ay sa karatig na lugar natagpuan ang kanilang bangkay.

Nagsasagawa na ng imbesetigasyon ang mga otoridad sa nangyaring insidente.

-- Advertisement --